Intensity 6 na lindol naramdaman sa Antique
MANILA, Philippines – Tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa lalawigan ng Antique ngayong Biyernes, ayon sa state volcanology.
Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang sentro ng lindol sa limang kilometro timog-silangan ng Culasi, Antique.
Bandang 4:05 ng hapon yumanig ang lupa na may lalim na 14 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity VI sa (very strong) Culasi, Antique, habang Intensity V (strong) naman sa Kalibo, Aklan; Sebaste,Pandan, Lauan at Libertad (Antique).
Intensity IV (moderately strong) naman ang naramdaman sa San Jose, Sibalom at San Remegio (Antique), Intensity III sa La Carlota City; Roxas City; Ilo-ilo City, Intensity II sa Cebu City at Intensity I sa Zamboanga City.
Nagbabala ang Phivolcs sa mga aftershocks.
- Latest