^

Bansa

Kotongan sa Port of Manila talamak

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinulgar ng Malacañang na umiiral pa rin ang malawakang ‘kotongan’ sa loob at labas ng Port of Manila.

Ayon kay Secretary to the Cabinet Rene Almendras, isinumbong ng mga importers at truckers na nagkakaroon ng laga­yan para maka­pasok at makapagkarga ng container van ang mga trak.

Ipinapalabas anya ng mga fixer na puno na ang Port of Manila kaya para papasukin, napipilitan umanong magbayad ang truckers ng P500 hanggang P2,500.

Sabi pa ni Almendras, maging sa paglabas ng pantalan ng mga truck patungo sa kanilang destinasyon ay muling dumadanas ng ‘pangongotong’ sa ginagawang pa­ninita naman dito ng mga enforcers.

Dahil sa natuklasang katiwalian, nagpatupad na ng color coding ang Task Force Pantalan para mabatid ng truckers kung pwede pa o hindi na maaaring makapasok sa pier.

Binanggit naman ni Almendras na naka­tulong ang pagbubukas ng Port of Batangas at Subic Bay Freeport bilang extension para mapa­luwag ang Port of Manila.

ALMENDRAS

AYON

BINANGGIT

CABINET RENE ALMENDRAS

PORT OF BATANGAS

PORT OF MANILA

SUBIC BAY FREEPORT

TASK FORCE PANTALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with