Emergency power ipipilit ng Palasyo
MANILA, Philippines - Sa gitna ng malamig na pagtanggap ng dalawang kapulungan ng Kongreso hinggil sa emergency power para kay Pangulong Aquino, ipinahiwatig kahapon ng Malacañang na igigiit pa rin nila ito bilang tugon sa nakaambang problema ng kakulangan sa kuryente pagdating ng summer ng 2015.
Ayon kay Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, masusing napag-aralan ng Department of Energy ang mga “options” para sa kakaharaping problema sa 2015 kaya patuloy na makikipagtulungan si Energy Sec. Jericho Petilla sa Kamara at Senado na siyang magbibigay ng emergency power sa Pangulo.
Walang inaprubahang joint resolution ang Senado at House of Representatives sa hinihinging emergency power ng Palasyo bago nagbakasyon ang mga mambabatas noong Miyerkules. (Malou Escudero)
- Latest