^

Bansa

‘Mario’ nag-landfall sa Cagayan, pag-uulan patuloy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nananatili ang lakas ng bagyong Mario makaraang mag-landfall ito sa hilagang bahagi ng Cagayan province bago mag-tanghali ng Biyernes.

Alas-11 ng umaga kahapon, ang mata ng bagyo ay namataan ng PAGASA sa layong 64 kilometro hilaga hilagang silangan ng Tuguegarao City.

Taglay ni Mario ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 100 kilometro bawat oras. Kumikilos si Mario pakanluran hilagang kanluran ng Cagayan sa bilis na 22 kilometro bawat oras.

Bunga nito, nakataas ang signal no. 2 sa Cagayan kasama na ang Calayan, Babuyan at Batanes Group of Islands, Isabela, Kalinga, Apayao, Mountain Province, Abra at Ilocos Norte.

Signal no. 1 sa Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, Benguet, Ilocos Sur at La Union.

Ayon kay Gener Quitlong, weather forecaster, bagamat hindi direkta­hang apektado ni Mario ang Metro Manila ay makakaranas naman ito ng matinding pag-uulan dahil sa epekto ng bagyo sa habagat.

Sa Linggo ay inaasahang nasa layong 680 kilometro ng hilaga ng Itbayat, Batanes si Mario hanggang sa tuluyan nang lumabas ng bansa.

BATANES GROUP OF ISLANDS

GENER QUITLONG

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

LA UNION

MARIO

METRO MANILA

MOUNTAIN PROVINCE

NUEVA VIZCAYA

SA LINGGO

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with