^

Bansa

PhilHealth coverage sa bgy. officials, employees

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinusulong ng isang mambabatas ang pagbibigay ng PhilHealth coverage sa mga opisyal at empleyado ng barangay.

Ayon kay Negros Occidental Rep.Albee Benitez, bukod sa mga opisyal at empleyado ng barangay dapat din isama sa PhilHealth ang mga volunteers ng barangay.

Irerekomenda rin ni Benitez na amyendahan ang ilang probisyon sa 2015 national budget dahil kailangan na umano ng pantay na bahagi ng mga tao sa ibang rehiyon at ilang sektor ng lipunan kaya dapat na masiguro na ang mga opisyal ng barangay at volunteers ay mayroong PhilHealth.

Ito ay dahil ang mga barangay officials at volunteers ang nasa frontline pagdating sa pagseserbisyo ng gobyerno.

Pinuna rin ng kongresista kung bakit ang  PhilHealth coverage sa 2015 para sa mahihirap ay P37 bilyon na mas mataas ng 2 bilyon noong 2014 subalit base sa 10.9 milyon na na-survey ng National Household Targeting System (NHTS) mayroon lamang 5.255 ang naka-enroll sa PhilHealth.

Kaya giit ni Benitez kahit isama pa sa 10.9 milyon household na nasurvey ng NHTS ang mga barangay officials at volunteers ay mayroon pa rin sapat na ba­lance na matitira mula sa P37 bilyon.

“Barangay workers delivers necessary services and are regarded as the first responders of the government in times of crisis and disputes in their localities. If we cannot take care of our own, how can we expect efficient delivery of social services down to the far flung barangay,” ayon pa kay Benitez.

vuukle comment

ALBEE BENITEZ

AYON

BARANGAY

BENITEZ

IREREKOMENDA

ISINUSULONG

NATIONAL HOUSEHOLD TARGETING SYSTEM

NEGROS OCCIDENTAL REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with