Nat’l Day of Protest idineklara ng mga guro
MANILA, Philippines – Idineklara ng mga guro ang Oktubre 6 bilang National Day of Protest sa buong bansa, kaugnay ng hiling ng mga ito na mabigyan sila ng P10,000 umento sa sahod at bilang paggunita na rin sa World Teachers’ Day.
Ayon kay Teacher’s Dignity Coalition (TDC) national chairperson Benjo Basas, isa lamang ito sa mga aktibidad na inihahanda ng mga guro na sinimulan noong Biyernes at inaasahang magtatagal sa loob ng isang buwan.
Bukod sa day of protest, magdaraos din ang grupo ng mga forum, flash mobs, petition signing, play production, selfie/social media protests, community meetings laban sa K-12, poster making contests at iba pa.
Plano ng mga guro na ilatag ang mga usapin sa pa-sweldo, benepisyo, K-12 program at iba pa sa mga mambabatas.
- Latest