LRT, MRT magbibigay ng libreng sakay sa Sept. 19
MANILA, Philippines - Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) para sa mga government employees sa Setyembre 19, 2014.
Ito’y bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-114th anibersaryo ng Civil Service Commission (CSC) sa naturang araw.
Ayon sa LRT, ang libreng sakay para sa mga empleyado ng pamahalaan ay maaaring i-avail mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa naturang araw.
Kinakailangan lamang umanong magprisinta ng identification card ang mga ito sa guwardiya sa istasyon upang payagang sumakay sa tren ng libre.
- Latest