Mga motorista nalito one truck lane policy sa C-5, sinimulan na
MANILA, Philippines - Maraming motorista ang labis na nalito sa pag-arangkada ng unang araw nang pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa one truck lane policy sa kahabaan ng C-5 Road kahapon.
Nabatid, na noong Sabado at Linggo ay nagpatupad ng dry-run ang MMDA para sa bago nitong polisiya, subalit kahapon nga ay ganap na itong regulasyong pinatupad para sa lahat ng truck na babagtas sa C-5 Road.
Ang naturang patakaran ay inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC), na binubuo ng mga Metro mayors.
Base sa resolution ng MMC, eksklusibo ang truck lane sa C-5 kapag window hours simula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon at alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga.??
Subalit, kapag umiiral ang truck ban, maaari namang dumaan ang ibang sasakyan sa innermost lane sa C-5, partikular ang mula sa Katipunan hanggang sa bahagi ng Taguig City.??
Nabatid na noong Sabado ay kinailangang isara ng MMDA ang pitong u-turn slots dahil mga truck lamang ang papayagang dumaan sa pinakadulong lane ng kahabaan ng C-5.
Nabatid na maraming motorista ang nalito lalo na ang mga truck sa naturang bagong polisiya.
Kapansin-pansing wala ring nakalagay na signages sa Katipunan at nasa bahagi ng Libis lamang ang mga MMDA.
- Latest