^

Bansa

Libong OFWs sa Libya susunduin ng barko

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling magpapadala ng barko ang Philippine Rapid Response Team (RTT) sa Libya upang sunduin ang nasa 1,000 Pinoy na apektado ng kaguluhan doon.

Ito’y sa kabila ng naunang pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi na barko ang susundo sa ililikas na overseas Filipino workers dahil hindi nasasagad ang kapasidad nito na 1,500 pasahero.

Kinumpirma ni Consul General Leila Lora-Santos ng Philippine Embassy sa Roma sa ABS-CBN News Europe na maglalayag mula sa Southern Europe ang chartered ship.

Unang destinasyon nito ang Benghazi port sa Libya saka dadaong sa iba pang lugar kung saan naghihintay ang ibang OFWs.

Hindi idinetalye ang ibang ports na dadaungan ng barko pero didiretso ito sa Malta sa Europa.

Kamakailan, nagsundo ang isang chartered ship ng pamahalaan sa Benghazi at Misrata ports.

Maraming Pinoy na rin ang pansamantalang nailikas sa Malta upang makuhaan ng flight pauwi ng Pilipinas sa pakikipagtulungan ng kanilang mga pinagtatrabahuang kumpanya.  

 

BENGHAZI

CONSUL GENERAL LEILA LORA-SANTOS

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KAMAKAILAN

MARAMING PINOY

NEWS EUROPE

PHILIPPINE EMBASSY

PHILIPPINE RAPID RESPONSE TEAM

SOUTHERN EUROPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with