^

Bansa

Landslide ikinabahala sa landfill

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinatitigil ng grupong Pinoy Aksyon for Gover­nance and the Environment ang operasyon ng isang landfill sa Brgy. Mancatian, Porac, Pampanga bunsod na rin ng panganib na dulot ng pasilidad kabilang ang pagguho ng lupa at ragasa ng lahar.

Ayon kay Emruche Guangco, campaign officer ng Pinoy Aksyon, malaking pagwasak sa kalikasan kung patuloy ang operasyon ng landfill ng Eco Protect Management Corporation (EPMC).

Ani Guangco, hindi lamang kalikasan ang mawawasak dulot ng lahar kundi ang mga kalusugan ng mga residente dahil sa amoy at katas ng mga basura.

Nabatid sa grupo na ang landfill ay ginawa ­gamit ang volcanic mud o lahar na madaling mawasak dulot ng pag-ulan at lindol.

Binigyan diin ni ­Guangco na dapat na umaksiyon ang pamahalaan at ipatigil ang operasyon at maiwasan ang anumang disgrasya sa mga naninirahan malapit sa lugar.

Nagbabala rin si Guangco sa mga awtoridad at stakeholders na posibleng magdulot ng malalang problema sa kalusugan at kapaligiran kung patuloy na hahayaan ang operasyon ng nasabing landfill.

Dagdag pa ng Pinoy Aksyon, ang landfill ay dapat na ligtas sa kalikasan at publiko.

LANDSLIDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with