^

Bansa

90 days suspension ni Jinggoy tuloy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagtibay na ng Sandiganbayan Fifth Division ang naunang desisyon nito na suspendihin ng 90 araw si Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng kaso nitong plunder at graft na may kinalaman sa pork barrel scam.

Ito’y makaraang tanggihan ng graft court ang naisampang motion for reconsideration ng kampo ni Estrada para dito dahil sa kakulangan ng merito.

Ayon sa graft court, matapos mabusisi ng husto ang mga records at mga dokumento at iba pang mga ebidensiya na naisumite dito ay nakakita sila ng probable cause sa kaso, balido at malaman ang mga impormasyon na naisumite ng Ombudsman.

Niliwanag din ng graft court na walang basehan ang mga ulat na makakaapekto kay Estrada ang pagsuspinde dito ng Sandiganbayan para sa panga­ngalaga sa mga constituents dahil ang pagsuspinde umano dito ay hindi isang kaparusahan kundi isang pamamaraan lamang na ginagawa sa isang tauhan ng gobyerno na iniimbestigahan sa anumang kasong kinasasangkutan nito.

Maluwag namang tinanggap ng kampo ni Estrada ang desisyong ito ng Sandiganbayan.

AYON

JINGGOY ESTRADA

MALUWAG

NILIWANAG

PINAGTIBAY

SANDIGANBAYAN

SANDIGANBAYAN FIFTH DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with