^

Bansa

Kahit may giyera OFWs nakakapasok pa rin sa Libya

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakakapasok at nakabalik pa rin sa Libya ang mga OFWs kahit nakataas sa alert level 4 ang sit­wasyon doon.

Kinumpirma ito kay Father Celso Laracas, Parish Priest ng St. Francis Catholic Church sa Tripoli, Libya ng Filipino community doon na mayroong mga bagong dating na OFW kung saan ilan sa mga ito ay nakasama na sa repatriation ng gobyerno ng Pilipinas.

Inihayag ng pari na kadalasang umaalis sa Pilipinas bilang tourist ang mga OFW patungo sa mga bansa sa Asya tulad ng Hongkong na walang requirement ng visa.

Mula HK ay pupunta ang mga OFW sa Tunisia papasok ng Libya. Anya, nagagawang makapasok ng mga Filipino sa Libya dahil mayroon silang kasab­wat sa Bureau of Immigration (BI) na nag-aayos ng kanilang papeles.

Anim na OFWs ang nakapasok ng Libya, dalawang Filipino ang nakapasok sa Libya sa HK-Dubai-Tunisia; isa ang nag-HK-Turkey-Tunisia-Tobruk; dalawang guro ang Malaysia-Tunisia-Tobruk; isa ang via Bangkok-Turkey-Misurata habang ang isa ay via Indonesia-Abu Dhabi-Tunisia.

Hinimok ni Father Laracas ang BI na i-alert ang ibang bansa upang i-hold ang mga OFW na patu­ngong Tunisia at Libya.

Nanawagan din ang pari sa mga airline company na huwag pasakayin ang mga OFW na pupunta sa Tunisia o yung mga nagstop-over sa Dubai patungong Tunisia.

BUREAU OF IMMIGRATION

FATHER CELSO LARACAS

FATHER LARACAS

INDONESIA-ABU DHABI-TUNISIA

LIBYA

PARISH PRIEST

PILIPINAS

TUNISIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with