Stamp na ‘Not Valid for Travel to Libya’ itinanggi ng DFA
MANILA, Philippines - Pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na naglalagay sila ng stamp na may katagang “Not Valid for Travel to Libya” sa mga pasaporte ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, hindi sila nag-aanunsyo ng anumang plano na tatakan o lagyan ng stamp na nagsasaad ng restriction o pagbabawal sa mga pasaporte na kanilang iniisyu.
Iginiit ng DFA na nananatili sa crisis alert level 4 sa Libya at kasalukuyang nagsasagawa ang pamahalaan ng repatriation operations para sa mga Pinoy sa nasabing bansa.
Sa nasabing alerto, ipinatutupad ang total ban sa lahat ng mga Pinoy, maging ang mga OFWs na tumungo o magtrabaho sa Libya.
Muling umapela ang DFA sa lahat ng Pinoy sa Libya na magsilikas at agad na kumontak sa Embahada ng Pilipinas sa Tripoli.
- Latest