Kaso ng child abuse dumoble – PNP
MANILA, Philippines - Tumaas ng 93% ang mga naitatalang kaso ng pangmamaltrato o pisikal na pang-aabuso sa mga bata sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Base ito sa ipinalabas na data ng PNP Women’s and Children Protection center sa mga kaso ng child abuse.
Sa unang anim na buwan ng 2014 ay naitala sa 18,801 ang kaso ng physical abuse sa mga bata kumpara sa 9,737 mula Enero-Hunyo 2013.
Ayon kay Chief Supt. Juanita Nebran, Chief ng PNP Women and Children Protection Center, kabilang sa pang-aabuso ay rape, attempted rape, child labor, trafficking at iba pa.
Nangunguna sa may pinakamaraming kaso ng pananakit sa mga bata ay ang Region 11, 10, Region VI, Region IV A o Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon gayundin sa National Capital Region.
Lumalabas din na ang mismong gumagawa nito’y kadugo ng mga kawawang paslit tulad ng kanilang mga ina at ama. Ang dahilan ay maling pamamaraan ng pagdidisiplina at pagka minsan, naibubunton sa mga bata ang problemang dinadala ng mga ito sa kanilang pamilya.
- Latest