LPA magpapa-ulan sa Luzon
MANILA, Philippines - Bagamat hindi inaasahang magiging bagyo ang low pressure area na nasa bansa, magdudulot naman ito ng mga pag-ulan sa Luzon.
Kahapon ng umaga, namataan ang LPA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa layong 560 kilometro silangan hilagang-silangan ng Casiguran, Aurora.
Inaasahang magdadala ito ng malakas na pag- uulan sa hilagang silangan ng Luzon oras na lumapit na ito sa kalupaan.
Maulap naman na may mga pag-ulan sa Bicol, eastern at central Visayas, Caraga at Davao.
Maulap din ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa na may paminsan minsang pag-ulan.
- Latest