^

Bansa

Mayon nag-aalburoto

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inalerto na kahapon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang mga lokal na opis­yal sa lalawigan ng Albay kaugnay ng posibleng pagpapalikas sa mga residenteng nakatira sa palibot ng 6 kilometer Permanent Danger Zone (PDZ ) ng Mayon Volcano.

Ito’y makaraang itaas ng Phivolcs sa alert level 2 ang status ng bulkan matapos makitaan ang bunganga nito ng abnormalidad.

Sa report ni Region V PDRRMC Director Raffy Alejandrino, mas delikado ang sitwasyon dahil anumang oras ay maaring bumuhos ang pyroclastic materials mula sa bu­nganga ng Mayon.

Sa ilalim ng alert level 2, nagpapatuloy ang pag-aalburoto ng bulkan na ‘magmatic ang origin’ na posibleng magbunsod sa malakas na pagsabog.

Sa website ng Phivolcs, nakapagtala ang Mayon ng isang volcanic earthquake at isang rock fall event sa nakalipas na 24 oras.

Katamtaman naman ang paglalabas ng puting usok mula sa bu­nganga ng naturang bulkan.

Bagamat walang crater glow na naobserbahan, may namataan namang paglitaw ng namumuong lava dome sa crater nito.

Mula 500 toneladang asupre na nailuluwa ng bulkan kada araw sa loob ng dalawang buwan, umaabot na sa 850 tonelada ng asupre ang nailabas nito sa nakalipas na 24 oras.

Ang naturang mga pagbabago umano sa Mayon ay nagpapakita lamang ng pagtaas ng volcanic gas emission at inaasahang pagkakaroon nito ng magma.

Nakikipag-ugnayan na si Albay Public Safety Management Office (APSMO) Chief Dr. Cedric Daeprin sa mga lokal at barangay officials sa mga lugar na posibleng maapektuhan sa pag-aalburoto ng pamosong bulkan.

Sa kasalukuyan, naka-standby na ang mga evacuation centers sa mga bayang nakapalibot sa Mayon.

Nananatili namang 24/7 ang monitoring ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang mabantayan ang mga pagbabago sa aktibidad ng bulkan.

Nananatili naman sa alert level 2 ang natu­rang bulkan at patuloy na pinagbabawalan ang sinuman na makapasok sa loob ng 6-km permanent danger zone para makaiwas sa anumang epektong dadalhin nito sa mga residente roon.

 

ALBAY PUBLIC SAFETY MANAGEMENT OFFICE

BULKAN

DIRECTOR RAFFY ALEJANDRINO

DR. CEDRIC DAEPRIN

MAYON

MAYON VOLCANO

NANANATILI

PERMANENT DANGER ZONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with