^

Bansa

Luy umaming P4M ang kickback sa PDAF

Butch Quejada/Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ng pangunahing whistleblower na si Benhur Luy sa Sandiganbayan na siya mismo ay nakatanggap ng kickback mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel ng mga mambabatas na ginamit ang mga pekeng NGO ng kanyang pinsan na si Janet Lim-Napoles. 

Sinabi ni Luy na may P3-P4 milyon ang kabuuang komisyon na kanyang nakuha mula 2004-2012, noong siya pa ang pangulo ng Social Development Program for Farmers Foundation Inc., isa sa mga pekeng NGO ni Napoles.

Gayunman, sinabi ni Luy na ang kanyang natanggap na komisyon ay hindi kasinlaki ng halaga na naipangako sa kanya ni Napoles.

“Minsan nagpapanggap-panggap siya na nagga­galit-galitan, para ‘di na kami bigyan ng komisyon. ‘Di naman ‘yun nasusunod, ‘yung 1 percent. Halimbawa kung P250,000 dapat ‘yung sa akin, pero P30,000 or P50,000 lang binibigay niya, nalalakihan pa siya. ‘Yung remaining of the commissions, sa kaniya na ‘yun,” dagdag ni Luy.

Si Luy ang tumatayong saksi ng prosekusyon sa pagdinig sa bail petition ni Napoles at iba pang akusado sa plunder na nakasampa sa Sandiganbayan First Division kasama na sina Sen. Bong Revilla at tauhan nitong si Atty. Richard Cambe.

 

vuukle comment

BENHUR LUY

BONG REVILLA

FARMERS FOUNDATION INC

JANET LIM-NAPOLES

LUY

NAPOLES

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

RICHARD CAMBE

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with