^

Bansa

Libong mine workers sa Zambales nagpasaklolo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umabot sa mahigit 1,000 mine workers sa Sta. Cruz, Zambales ang nagsagawa ng protest caravan upang ipanawagan ang pagbabalik operasyon ng apat na minahan sa kanilang bayan kung saan pagmimina ang pangunahing ikinabubuhay ng mga residente sa nabanggit na bayan.

Bago ang protesta ay ipinag-utos kamakailan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Environ­mental Management Bureau (EMB) Region III ng De­partment of Environment and Natural Resources (DENR) ang operasyon ng mga minahan sa Central Luzon na kinabibilangan ng Zambales Diversified Metals Corporation, Benguet Corporation Nickel Mines Inc., Eramen Mi­nerals Inc. at LNL Archipelago Minerals Inc. dahilan upang mawalan ng trabaho ang mahigit 3,000 manggagawa.

Sa pahayag ni Orlan Mayor, tagapagsalita ng Coa­lition of Mine Workers, Families and Communities (CMWFC),  kanilang ipinanawagan sa MGB-DENR ang pagbawi sa ipinalabas nitong cease and desist order dahil­ malaki ang epekto nito sa kanilang mga kabuha­yan at kinabukasan dahil maraming pamilya ang magugutom kapag nagtagal pa ang naturang suspensyon.

“Marami sa mga manggagawang nawalan ng trabaho ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kahirapan, at tanging minahan lamang ang nagbi­gay sa kanila ng pagkakataon na makahanap ng tra­baho na walang diskriminasyon sa antas ng pinag-aralan, basta masipag ka at handang matuto ay binibigyan ka ng pagkakataon,” ayon pa kay Mayor.

vuukle comment

ARCHIPELAGO MINERALS INC

BENGUET CORPORATION NICKEL MINES INC

CENTRAL LUZON

ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ERAMEN MI

FAMILIES AND COMMUNITIES

MANAGEMENT BUREAU

MINE WORKERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with