^

Bansa

‘Trillanes mag-sorry ka’ – Binay

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat humingi ng paumanhin si Senador Antonio Trillanes IV kina Vice President Jejomar Binay at Makati Mayor Jejomar Erwin S. Binay kapag napatunayang hindi totoo ang akusasyon laban sa mag-ama kaugnay ng umano’y overpricing sa pagpapagawa ng City Hall Building 2 ng Makati.

Ito ang tinuran ni Mayor Binay na nanawagang dapat tratuhin sila nang disente sa pagharap nila sa pagdinig ng Senado sa naturang isyu sa susunod na linggo. Pinuna pa ng batang Binay na tila hindi naman interesado si Trillanes na lumabas ang katotohanan.

“Batay sa kanyang pahayag, buo na ang kanyang isip at nais niyang gamitin ang pagdinig ng Senado sa paninira sa pangalan ng Bise Presidente,” wika pa ng alkalde.

Idiniin ni Binay na bukas sila ng Bise Presidente sa imbestigasyon pero hiniling niya na tratuhin sila nang disente ng naturang senador.

Umaasa siya na kapag napatunayang puro kasinungalingan ang mga ibinibintang sa kanila, dapat humingi sa kanila ng paumanhin si Trillanes at ang Blue Ribbon Committee.

Binira rin ni Binay ang pahayag ni Trillanes na maghaharap ito ng mga testigo laban sa Bise Presidente.

“Ipinapaalala namin sa senador na hindi ito paglilitis. Isa iyang dapat na pagdinig para sa paggawa ng batas,” diin ng alkalde.

Sinabi pa ni Binay na hindi kailangan ang pagsisiyasat ng Senado dahil lumitaw na walang basihan ang akusasyon sa ginawang pagrepaso ng Commission on Audit. Bukod dito, nasa proseso na ng imbestigasyon dito ang Ombudsman kaya hindi na kailangan ang pagsisiyasat ng Senado.

Nilinaw din ng alkalde na ang kinukuwestyong gusali ay isang office building na merong parking floor at hindi isang parking building. Kaya anya mali ang itinawag ditong Makati City Hall Parking Building sa resolusyong isinampa ni Trillanes.

vuukle comment

BINAY

BISE PRESIDENTE

BLUE RIBBON COMMITTEE

CITY HALL BUILDING

MAKATI CITY HALL PARKING BUILDING

MAKATI MAYOR JEJOMAR ERWIN S

MAYOR BINAY

SENADO

SENADOR ANTONIO TRILLANES

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with