^

Bansa

Ika-4 na impeachment vs PNoy ihahain ng guro

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maghahain ng ika-apat na impeachment complaint ang mga guro laban kay Pangulong Aquino sa Kamara ngayong umaga.

‘The complaint alleges that President Aquino violated his oath of office and broke the law by perpetuating the system of Congressional pork barrel despite the Supreme Court decision declaring it unconstitutional,’ ayon sa reklamo.

Pangungunahan nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Alliance of Concerned Teachers National Chairperson Benjamin Valbuena ang isasampang reklamo sa Kamara.

“We have strong evidence to show that Pres. Aquino is responsible for perpetuating Congressional pork despite the Supreme Court prohibition,” sabi ni Tinio.

Hindi naman nababahala si Pangulong Aquino sa pagsisimula ng pagdinig ng mga inihaing impeachment laban dito at tiwalang hindi ito magtatagumpay.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, mas makakabuting hinta­yin na lamang ang proseso sa Kamara na siyang inatasan ng Konstitusyon na duminig sa impeachment complaint.

Ipinaalala rin ng Palas­yo na huwag kalimutan ng mga mambabatas na bigyan ng prayoridad ang mga mahahalagang panukala partikular ang nakahaing 2015 budget. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS NATIONAL CHAIRPERSON BENJAMIN VALBUENA

ANTONIO TINIO

COMMUNICATIONS SEC

KAMARA

PANGULONG AQUINO

PRESIDENT AQUINO

RUDY ANDAL

SONNY COLOMA

SUPREME COURT

TEACHERS REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with