Impeachment vs P-Noy uusad na sa Kongreso
MANILA, Philippines - Uusad na sa Kamara ang tatlong impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Benigno C. Aquino III.
Ito ay matapos kumpirmahin ni House of Representatives Majority leader at Rules Committee Chairman Neptali Gonzales na naipasa ni House Speaker Feliciano Belmonte sa kanyang komite ang mga reklamo laban sa Pangulo.
Isasama na nila sa order of business ng plenaryo sa Lunes ang mga reklamong impeachment laban kay Aquino.
Sa araw din iyon ay ire-refer naman ito sa House Justice Committee at dahil sa iisang araw lamang ang magiging referral sa nasabing komite kaya maaari na itong i-consolidate.
Matatandaan na ang dalawa sa impeachment complaints laban sa Pangulo ay may kaugnayan sa Disbursement Acceleration Program (DAP) at ang isa naman ay tungkol sa isyu ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Nauna na rin nangako ang mga kaalyado ng Pangulo sa Kamara na haharangin ang impeachment complaints.
- Latest




















