^

Bansa

7 sasakyan naatrasan ng truck: 1 patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi habang apat  katao  ang nasugatan matapos maatrasan ng isang 14-wheeler truck na may kargang  buhangin  ang pitong  sasakyan sa Taguig City, kahapon ng umaga.

Kaagad na nasawi ang isa umanong Rolito Marques, alyas Eboy, pahinante ng  isang naatrasang Elf Truck  (TKL-521).

Samantala, ang apat pang sugatang biktima ay isinugod sa Ospital ng Makati.

Sa inisyal na report na natanggap ng Taguig City Police, alas-6:00 ng uma­ga, ipinarada umano ng hindi pa nakilalang driver ng isang 14-wheeler  truck (UNE-539) sa pataas na bahagi ng C5 Road  malapit sa Market-Market ng naturang lungsod ang sasakyan na may kargang buhangin.  Nasiraan umano ito kung kaya’t iniwan muna ito ng driver at pahinante para ipahatak.

Gayunman, aksidenteng  bumulusok at naatrasan ang pitong  sasakyan kabilang ang Toyota Innova  (NQM-407); Fuso Truck (WSU-554); Toyota Vios (taxi) (UVY-860); Hyundai Accent (taxi) (UPP-876);  Nissan Sentra (taxi) (TXP-314);  Mitsubishi Mirage (UOK-417) at  isang Elf Truck  na minamaneho ng nasawing  si Marques.

Nabatid na nagliyab  pa ang unahang bahagi nang naatrasang truck  na may karga namang mga salamin.

May hinala ang mga awtoridad, na hindi nai-handbrake ang truck, na ayon sa mga saksi ay mabilis na bumulusok at huminto na lamang umano ang pag-atras nang tumagilid ito at bumangga sa isang mala­king pader.

Hindi na mahagilap ang driver at pahinante ng naturang truck habang nagdulot ng matinding trapiko sa bahagi ng C5 Road ang  insidente.

 

ELF TRUCK

FUSO TRUCK

HYUNDAI ACCENT

MITSUBISHI MIRAGE

NISSAN SENTRA

ROLITO MARQUES

TAGUIG CITY

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with