^

Bansa

'Inday' lalabas sa Biyernes; isa pang bagyo binabantayan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napanatli ng bagyong "Inday" ang lakas nito, ngunit nagbago ng direksyon, ayon sa state weather bureau ngayong Miyerkules.

Ayon as Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang mata ng bagyo ay nasa 610 kilometro silangan timog-silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-4 ng umaga.

Abot sa lakas na 55 kilometro kada oras ang hangin na dala ni "Inday" habang gumagalaw ito pa kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 19 kilometer kada oras.

Tinatayang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Biyernes kung hindi ito magbabago ng bilis at lakas.

Hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan si "Inday," ang pang-siyam na bagyo ngayon taon, ngunit maaapektuhan nito ang Hanging Habagat na magdadala ng pabugsu-bugsong pag-ulan sa Kamaynilaan, Timog Kagalugan, Bicol at sa mga lalawigan ng Zambales at Bataan.

Samantala, isa pang bagyo sa labas ng PAR ang binabantayan ng PAGASA.

Sinabi ng state weather bureau na maliit ang tsansang pumasok ito ng bansa ngunit kung matutuloy ay pangangalanan itong "Juan."

Tatlo hanggang apat na bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan.

ABOT

AYON

BASCO

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HANGING HABAGAT

INDAY

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

TIMOG KAGALUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with