^

Bansa

Show cause order inilabas vs 6 supermarket, 33 tindahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagbebenta ng mga produktong lagpas ang presyo sa pinaiiral na Suggested Retail Prices (SRPs), inisyuhan ng Departmet of Trade and Industry (DTI) ng “show cause orders” ang anim na mga supermarket at 33 tindahan sa Metro Manila.

Nais munang pagpaliwanagin ng DTI ang mga may-ari ng tindahan bago ang posibilidad na masampahan ng kasong paglabag sa “The Price Act of the Philippines”.

Sa ilalim nito ang mga mapapatunayang nagkasala ay maaaring patawan ng parusang pagkakulong ng mula lima hanggang 15 taon at multa na mula P5,000 hanggang P1 milyon.

Kabilang sa mga tindahan at stalls na nakitang lumabag ay pawang nasa: Pritil Public Market – Manila; Libertad Public Market – Pasay; Muntinlupa Public Market; Comembo Public Market – Makati; New Las Piñas Public Market; Agora Public Market- Navotas; Malabon Central Market; at Bonifacio Public Market – Caloocan.

Ayon sa DTI, ito ang resulta ng isinagawang inspeksyon ng kanilang mga tauhan sa iba’t ibang supermarkets at mga palengke para matiyak na sumusunod ang mga negosyante sa tamang presyo ng mga bilihin.

“These retailers are selling non-agricultural basic and prime goods at P0.50 to P3.85 above the SRPs which prompted the DTI to immediately take action by issuing them Show Cause Orders (SCO) to explain the high prices on their products,” ayon kay DTI Consumer Protection Group Undersecretary Atty. Victorio Mario Dimagiba.

Kabilang sa mga produktong madalas na inaabuso ang presyo ang mga de-latang pagkain tulad ng sardinas, meat loaf, beef loaf, luncheon meat, corned beef, coffee refill, panlabang sabon, fish sauce, soy sauce, gatas, suka, sabon, at baterya.

Muling pinayuhan ni Dimagiba ang mga mamimili na pagkumparahin ang presyo ng kanilang mga produktong binibili sa halaga ng SRP at huwag ding mag-atubiling iulat sa DTI ang mga negosyanteng umaabuso.

Maaaring tumawag ang mga consumer sa kanilang hotline na DTI Direct 751-3330 o sa 0917-8343330.

AGORA PUBLIC MARKET

BONIFACIO PUBLIC MARKET

COMEMBO PUBLIC MARKET

CONSUMER PROTECTION GROUP UNDERSECRETARY ATTY

DEPARTMET OF TRADE AND INDUSTRY

DTI

KABILANG

MARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with