Pro-admin solons ‘di mag-iinhibit sa impeachment
MANILA, Philippines - Hindi mag-iinhibit ang mga kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino sa Kamara sa pagdinig ng impeachment complaint laban dito.
Ayon kay iloilo Rep. Jerry Trenas na umamin din na nakatanggap ng P10 milyon na halaga mula sa Disbursement Acceleration Program (DAP) project, dapat ang unang mag-inhibit ay ang mga endorser na nakatanggap ng DAP.
Matatandaan na sa mga endorsers ng complaint, si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang umano’y nakatanggap din ng DAP na mariin naman nitong pinabulaanan. Sinabi naman ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, bagamat nagpapa-check pa ng records kung nakatanggap siya ng DAP, desidido na siyang hindi mag-inhibit sa impeachment proceedings.
Ito ay dahil sa bilang vice-chairman umano ng Justice Committee at halal na kinatawan sa Kongreso ay tungkulin umano nito na isakatuparan ang kanyang mandato. Para kay Justice Committee chairman Niel Tupas Jr., hindi maaaring puwersahin ang mga kongresistang tumanggap ng DAP na mag-inhibit.
- Latest