^

Bansa

K to 12 pinahihinto ni Trillanes

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinahihinto ni Sen. Antonio “Sonny” F. Trillanes IV ang nakaambang pagpapatupad ng K to 12 Program habang hindi pa nasasaayos ang kasalukuyang mga problema sa sistema ng edukasyon sa bansa, kasama na ang mga inaasahang problemang haharapin nito kapag ipinatupad na ito sa 2016.

“Mas makabubuti para sa ating bansa kung hindi muna ipatutupad ang K to 12 Program hanggat hindi pa nasosolusyunan ang mga problema sa sistema ng ating edukasyon tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan ng mga estudyante, at ang kakulangan sa mga guro at ang kanilang mababang sahod,” paliwanag ni Trillanes.

Dagdag pa rito ang kawalang plano ng ating pamahalaan sa inaasahang pagkakatanggal sa trabaho ng aabot sa 85,000 na mga guro at empleyado sa mga kolehiyo kapag nagsimula na ang programa sa 2016.

Nag-ikot si Trillanes sa iba’t ibang panig ng bansa upang magsagawa ng konsultasyon tungkol sa programa.

Pinuna rin ni Trillanes ang pahayag ng gobyerno na nasolusyunan na nito ang problema ng kakula­ngan sa mga classrooms.

Maraming paaralan pa rin ang patuloy na gumagamit ng mga make-shift na classrooms, o di kaya’y nagpapalitan sa paggamit ng mga silid-aralan kahit mas maiksi pa ang haba ng mga klase nito sa tamang oras na aprubado ng Department of Education, sabi ni Trillanes, taga-pangulo ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization.

Asahan nating lalala pa ito kapag pumasok na ang dalawang karagdagang batch ng mga estudyante sa ilalim ng K to 12.

Sa mga kagamitan naman, patuloy ang paghahati ng mga estudyante na umaabot sa ratio na apat na estudyante sa bawat isang modyul. Ang nasabing numero ay siguradong lalaki pa kapag napatupad na ang programa sa 2016, diin ni Trillanes.

Ikinalulungkot din ni Trillanes ang patuloy na pagkakaroon ng mga volun­teer teachers na kumikita lamang ng P3,000.00 kada buwan. Kinwestyon din nito ang kakulangan sa training ng mga guro na minsan pa’y sumasagot sa gastos ng sarili nilang training bilang paghahanda sa pagpapatupad ng K to 12.

ASAHAN

CIVIL SERVICE AND GOVERNMENT REORGANIZATION

DAGDAG

DEPARTMENT OF EDUCATION

IKINALULUNGKOT

KINWESTYON

SENATE COMMITTEE

TRILLANES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with