^

Bansa

VP Binay at anak kinasuhan ng P1.5B plunder sa Ombudsman

Butch Quejada, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinampahan kahapon ng P1.560 billion plunder case ang mag-amang Vice President Jejomar Binay at anak na si Makati City Mayor Junjun Binay at 20 konsehal ng naturang siyudad sa tanggapan ng Ombudsman kaugnay ng umano’y overpriced na pagpapatayo ng 11-palapag na bagong Makati City Parking building na itinuturing na “most expensive parking” sa bansa.

Sa isang complaint affidavit  na isinumite sa Ombudsman nina Atty. Renato L. Bondal at Ching Enciso, lead convernor ng Save Makati Movement, inakusahan nila ng plunder ang mga opisyal dahil umano sa kaduda-dudang transaksiyon sa pag-utang sa Land Bank of the Philippines at pro­seso sa pagpapagawa na umabot nang halos pitong taon gamit ang serye ng mga city council ordinance nang hindi batid ng mga ordinaryong residente ng Makati City.

Nagsimula umano ang unang ordinansa noong Nobyembre 8, 2007 na mayroon lamang P400 milyon na pinagtibay ni VP Binay nang siya ay nanunungkulan pa bilang alkalde.

Nasundan ito ng serye ng mga ordinansa na nag­lalaan pa ng mga karagdagang pondo kung saan umabot ito sa kabuuang P1.160 bilyon batay sa inilaang budget.

Ayon kina Bondal at Enciso, mga dating barangay chairman at kapwa miyembro ng United Makati Against Corruption (UMAC), umabot sa P1.56 bilyon ang contract price ng naturang gusali kahit ito ay may halaga lamang na P245.56 milyon.

Dahil dito, binanggit ng mga complainant na nagkaroon ng overprice na P1.314 bilyon sa pagpapatayo sa parking building na itinayo noong 2007 at natapos lang nitong 2013 na ang alkalde na ng Makati ay ang anak nitong si Mayor Junjun.

Anila, nilabag ng mag-amang Binay ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act may kinalaman sa Anti-Plunder Law.

Bukod sa mag-amang Binay, kasamang inireklamo ng plunder ang mga konsehal na nanungkulan noong 2007 hanggang 2013.

ANTI-GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

ANTI-PLUNDER LAW

BINAY

BONDAL

CHING ENCISO

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

MAKATI CITY

MAKATI CITY MAYOR JUNJUN BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with