Solo Parents Act hihilinging ng QC na maamyendahan para sa dagdag na benepisyo
MANILA, Philippines - Hihilingin ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang pag-amyenda sa Republic Act 8972 o ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000 upang magkaroon ng oportunidad at madagdagan ang benepisyung maipagkakaloob ng batas para sa lahat ng solo parents sa bansa.
Binigyang diin ni Bautista na kailangan na mapag-aralan ng husto ang batas upang mapunan ang mga kailangan pang maibigay na tulong sa bawat solo parents kasama na ang mga solo parents na may mga kapansanan. Sa ilalim ng Solo Parents’ Welfare Act of 2000, nagbibigay ito ng kaukulang livelihood development services, counseling services, educational benefits, housing benefits, medical assistance at iba pang mga programa na sumusuporta sa mga solo parents.
Sa QC, nag-adopt ang lungsod ng ordinance 1107 na humihikayat sa mga solo parents na magparehistro sa kanilang barangay upang matumbok ang iba pang kailangang maitulong ng lokal na pamahalaan sa kanila para sa ikagaganda ng kanilang buhay.
Para mapabuti ang pamumuhay ng mga solo parents sa lungsod, nais ni Bautista na matiyak na nakakarating sa kanila ang serbisyo sa mga solo parents kasama na ang paglalan sa mga ito ng vocational at soft trade trainings sa cosmetology, hotel and restaurant management, small income generating activity, counseling, educational assistance, including providing referrals for scholarship grants to the Commission on Higher Education (CHED) at Scholarship for Youth Development Program (SYDP) ng lunsod.
Mayroon ding naipagkakaloob na Philhealth coverage ang lokal na pamahalaan sa mga solo parents. Upang higit na matulungan ang mga solo parents na makapamuhay ng maayos, nagkaloob si QC Vice Mayor Joy Belmonte ng tig- P10,000 magagamit na puhunan sa maliit na negosyo sa ilalim ng programang “Tindahan ni Ate Joy”. Mula noong June 2003 hanggang June 2014, ang social services development departments lungsod ay nakapagrehistro na ng may 10,855 solo parents o kabuuang 10,375 na mga kababaihan.
- Latest