^

Bansa

Signal No.1 sa apat na lugar itinaas ‘Henry’, nananatili ang lakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanatili ang lakas ng bagyong Henry kung saan ay apat na lugar na sa bansa ang nakataas sa Signal number 1.

Ganap na alas-11:00 ng umaga kahapon, si Henry ay namataan ng PAGASA sa layong 480 kilometro ng silangan  ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 160 kilometro bawat oras.

Si Henry ay kumikilos pa hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro.

Nakataas na sa signal number 1 ang bagyo sa  Batanes Group of Islands, Cagayan kasama ang  Babuyan at Calayan Group of Islands.

Ngayong Martes, si Henry ay inaasahang nasa layong 220 kilometro silangan ng  Basco, Batanes, nasa 360 kilometro hilagang kanluran ng  Basco, Batanes sa Miyerkules ng umaga at sa Huwebes ay inaasahang 700 kilometro hilagang kanluran ng  Basco, Batanes o nasa labas na ng  Philippine Area of Responsibility (PAR).

Patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga residenteng nakatira sa nabanggit na mga lugar na maging handa at mag-ingat para makaiwas sa epektong dulot ng naturang bagyo.

BABUYAN

BASCO

BATANES

BATANES GROUP OF ISLANDS

CALAYAN GROUP OF ISLANDS

KILOMETRO

NGAYONG MARTES

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SI HENRY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with