'Henry' lumakas, signal no.1 sa 4 na lugar
MANILA, Philippines — Lumakas pa ang bagyong "Henry" habang tinutumbok nito ang Hilagang Luzon, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 340 kilometro hilaga-silangan ng Virac, Catanduanes kaninang alas-4 ng umaga.
Taglay ng pang-walong bagyo ngayong taon ang lakas na 130 kilometers per hour at bugsong aabot sa 160 kph, habang gumagalaw sa bilis na 20 kph.
Nakataas ang public storm warning signal no. 1 sa Batanes Group of Islands, Cagayan kabilang ang Babuyan at Calayan Group of Islands.
Inaasahang makararanas ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan ang Cagayan Valley, Mimaropa, Bicol region, Visayas at Aurora province dahil sa pinalakas na hanging habagat dulot ni Henry.
Tinatayang nasa 275 kilometro silangan ng Aparri, Cagayan bukas ang bagyo at sa 200 kilometro hilaga-kanluran naman ng Basco, Batanes sa kamakalawa.
- Latest