Biktima ni ‘Glenda’ handang tulungan ng PCSO
MANILA, Philippines - Nakahandang tulungan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga biktima ng pananalasa ng bagyong Glenda sa bansa.
Ayon kay PCSO Vice Chairman at General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas II, sasagutin nila ang hospitalization at gamot na gagamitin ng mga biktima ng bagyo.
“The charity agency will shoulder the bills of those confined or treated in public hospitals as a direct result of the effects of Glenda, which is said to be even stronger than Milenyo” ani Rojas.
Sinabi pa ni Rojas, inatasan na niya ang lahat ng department heads ng PCSO sa Southern Tagalog, Bicol region, Samar at iba pang lugar na binayo ng bagyo na imonitor ang sitwasyon ng mga residente.
Inihayag pa ni Rojas na ang kasalukuyang PCSO Board of Directors ay may ipinatutupad ng policy na i-subsidize ang magiging bayarin ng mga pasyente na direktang tatamaan ng kalamidad na ginagamot sa mga pampublikong hospital sa bansa.
Ang nasabing ‘policy’ ay una ng ipinatupad sa mga naging biktima ng bagyong Yolanda, Milenyo, Sendong, Pablo, Habagat at pagkakaroon ng bakbakan sa Zamboanga, landslide sa Compostela Valley at iba pang insidente.
- Latest