^

Bansa

'Glenda' baka mas malakas kay 'Milenyo' – PAGASA

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang state weather bureau ngayong Lunes sa maaaring maging epekto ng paparating na bagyong “Glenda.”

Sinabi ni Philippine Atmosphere, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) forecaster Rene Paciente na maaaring maihalintulad ang magiging epekto ng bagyo sa nagdaang “Milenyo” noong 2006 na nambayo sa Metro Manila.

Higit 200 katao ang iniwang patay ni Milenyo, habang P6 bilyong ari-arian ang nasira sa pagdaan nito sa Luzon.

Kaugnay na balita: 'Glenda' lumakas; signal no.1 sa 6 lugar

"Sa ngayon nasa karagatan pa siya (Glenda)... Matagal-tagal pa bago tatama sa kalupaan so inaasahan nating posible pang lumakas o maging typhoon," pahayag ni Paciente.

"Kung tutuusin, si Milenyo dumaan sa atin storm lang 'yun. Ito kung maging typhoon siya, mas malakas ang hangin."

Huling namataan ng PAGASA si Glenda sa 470 kilometro silangan timog-silangan ng Virac, Catanduanes kaninang alas-4 ng hapon.

Nagbago ng direksyon ang bagyo at inaasahang tatampa sa kalupaan ng lalawigan ng Albay bukas ng umaga.

Nakataas ang Signal no. 3 sa Catanduanes, signal no. 2 sa Camarines Sur, Camarines Norte, Masbata, Burias at Ticao Island, Sorsogon, Albay, Marinduque, Quezon at Samar.

Signal no.1 naman sa Romblon, Oriental at Occidental Mindoro, Lubang Island, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Pampanga, Bataan at Metro Manila.

Taglay ng pampitong bagyo ngayon taon ang lakas an 110 kph at bugsong aabot sa 140 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran sa bilis na 30 kph.

ALBAY

CAMARINES NORTE

CAMARINES SUR

CATANDUANES

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

GLENDA

LUBANG ISLAND

METRO MANILA

MILENYO

OCCIDENTAL MINDORO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with