Nutrition labels sa food products pinalalagay
MANILA, Philippines - Isinulong ni Sen. Cynthia Villar sa kanyang panukalang batas ang “nutrition labeling” upang higit na maunawaan ng consumers ang mga produkto ng pagkain.
Sa ilalim ng kanyang Senate Bill 146 o ang Philippine Nutrition Labeling Act, nais ni Villar na magkakaroon ng ‘easy to read at eye-catching label statement’ sa isang commodity kung saan nakalagay din doon ang nutritional content nito. Ito ay hiwalay sa label ng commodity at pangalan at lugar ng business ng manufacturer, packager o distributor. Sa kasalukuyan, walang batas na nag-aatas sa manufacturers, packagers o distributors na ilagay ang nutritional value ng food products sa kanilang label.
“We should be able to tell before buying a product whether or not it is good for our family based on the information clearly provided on the label,” ani Villar.
Umaasa siyang bibigyan ng Kongreso ng prayoridad ang mga nutrition at health-related legislations sa buwan ng Hulyo dahil ito ang “Nutrition Month.”
Isinasaad sa panukala na dapat ilagay sa label ang mga sumusunod: number of servings o iba pang units ng measure per container at kabuuang bilang ng calories at fat mula sa partikular na pagkain. Dapat din isama rito ang bilang ng nutrients sa bawat serving size o iba pang unit ng measurement ng pagkain: total fat, saturated fat, cholesterol, sodium, total carbohydrates, complex carbohydrates, sugars, dietary fiber at kabuuang protina.
- Latest