Bagyo tatama sa Pinas sa susunod na linggo – US Defense
MANILA, Philippines — Isang bagyo ang binabantayan ng US Department of Defense weather bureau na nagbabalang tatamaan ang Pilipinas sa susunod na linggo.
Base sa tracking map na inilabas ng Joint Typhoon Warning Center (JTWC) namataan ang bagyo sa 414 kilometro silangan silangan timog-silangan ng Andersen Air Force Base sa Guam.
May lakas na 65 kilometers per hour (kph) ang bagyo at bugsong aabot sa 83 kph, habang gumagalaw ito pa-kanluran hilaga-kanluran sa bilis na 24 kph at inaasahang lalabas ng Guam ngayong Biyernes.
Sinabi ng JTWC na lalakas pa ang bagyo habang papalapit ito ng Pilipinas na tinatayang lalapit sa Luzon sa Hulyo 16.
Dagdag nila na aabot sa 203 kph ang lakas ng bagyo at bugsong papalo sa 250 kph.
Samantala, wala pa naman ito sa radar ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa oras na tuluyang pumasok sa bansa ang bagyo ay pangangalanan itong “Glenda” ang pampitong bagyo ngayong taon.
- Latest