6 Marines nasawi sa friendly fire
MANILA, Philippines - Friendly fire o bala sa sariling bakuran at hindi mula sa bandidong Abu Sayyaf ang pumatay sa anim na miyembro ne elite Joint Special Operations Group (JSOG) na nasawi sa operasyon sa Sulu noong nakalipas na buwan.
Ito ang inamin kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumuo ng Board of Inquiry (BOI) na nag-imbestiga sa insidente noong Hunyo 19 sa Patikul, Sulu.
Anim na miyembro ng JSOG ang nasawi habang 13 pa ang nasugatan makaraang tamaan ng bala ng kanyon.
“The Board of Inquiry, they submitted their report to the Chief of Staff (Gen. Emmanuel Bautista), in the report it showed that JSOG forces were killed because of friendly fire, this is unfortunate and this is not intentional,” pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II.
Una nang iniulat ng AFP na nakasagupa ng tropa ng 2nd Marine Brigade ang mga bandidong Abu Sayyaf sa Brgy. Kabuntakas.
Kabilang sa mga nasawi ay si Marine Lt. Roger Flores at 11 pang tauhan ng Philippine Marines habang 10 naman sa panig ng Sayyaf.
Lumilitaw pa sa imbestigasyon na nag-request ang Philippine Marines ng ‘fire supports’ mula sa higher headquarters sa kasagsagan ng bakbakan pero sumablay ang pagpapaulan ng kanyon sa posisyon na kinaroroonan ng tropa ng pamahalaan.
Nabatid na tatlong howitzer fire ang pinaulan sa kinaroroonan ng JSOG sa nasabing labanan.
- Latest