^

Bansa

P40 M substandard na bakal nasamsam ng PNP-CIDG

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa P40 milyong mga substandard o ­mahihinang klase ng bakal na umano’y ginagamit sa rehabilitasyon sa mga lugar na tinamaan ni Yolanda sa Visayas Region ang nasamsam ng mga ope­ratiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa raid sa General Trias, Cavite nitong Miyerkules.

Ayon kay CIDG chief Benjamin Magalong, dakong alas-10 ng umaga nang isagawa ang raid kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) technical team sa Golden Gate Business Park, Brgy. Buenavista, General Trias.

“The sub-standard construction materials are being smuggled into the country from different ports and are even­tually transported and sold in Yolanda-affected areas. Some of these products were held by the Bureau of Customs for misdeclaration but others made its way to the local market,” ani Magalong.

Isinilbi ang search warrant  laban sa Steel Tower Corporation na pagmamay-ari ng mga negosyanteng Filipino-Chinese. 

Nasamsam sa operasyon ang 16,000 piraso ng 8MM rolled steel bars, 600 toneladang angle bars na may sukat na 4.5 X 50X50, hindi sertipikadong GI wires substandard angle bars na may pekeng LSC logo at wala ring sertipikang unmarked roofing materials.

Noong Abril ay inirekomenda ni Secretary Panfilo Lacson kay DTI Secretary Gregory Domingo na gawing deputado ang PNP-CIDG upang magsagawa ng raid sa mga gumagawa ng nasabing mga substandard materials na ginagamit sa rehabilitasyon ng gobyerno sa mga lugar na pininsala ng Yolanda noong Nobyembre 2013.

Ito’y matapos na sumingaw ang mga substandard na materyales na ginagamit sa kons­truksyon ng mga bunkhouses partikular na sa mga biktima ng super bagyo partikular na sa Leyte at Samar.

BENJAMIN MAGALONG

BUREAU OF CUSTOMS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GENERAL TRIAS

GOLDEN GATE BUSINESS PARK

NOONG ABRIL

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with