DAP transaksiyon, bubusisiin ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Bubusisiin ng tanggapan ng Ombudsman ang mga transaksiyon sa pamahalaan na nasa ilalim ng DAP.
Bumuo ng isang panel ng imbestigador si Ombudsman Conchita Carpio Morales upang suriin ang mga DAP transactions sa gobyerno upang malaman kung may nagawang pagkakasala sa batas ang mga isinasangkot na opisyal ng pamahalaan hinggil dito.
“In light of the Supreme Court’s Decision on the DAP case, we are initiating an investigation into the matter,” pahayag ni Morales .
Sa ilalim anya ng Republic Act (RA) No. 6770 (Ombudsman Act of 1989),ang Ombudsman ay maaaring magsagawa ng sariling imbestigasyon o tinatawag na motu proprio sa isyu kahit na walang sinuman ang nagsasampa sa ahensiya ng kaso.
Ang batas din ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Ombudsman na busisiin ang anumang serious misconduct sa alinmang sangay ng pamahalaan na kinasasangkutan ng mga impeachable officers pero ito ay para lamang maberepika ng ahensiya na ito ay may balidong rason para sa impeachment.
- Latest