^

Bansa

16 kawani ng Batelec nagpositibo sa droga

Pilipino Star Ngayon

LIPA CITY, Batangas – Umaabot sa 16-kawani ng Batangas Electric Cooperative (Batelec) II ang nag-positibo sa bawal na droga sa isinagawang mandatory drug testing ng kumpanya, ayon sa ulat kamakalawa.

Sa panayam kay Ba­telec General Manager Octave Mendoza, sa 500-kawani na sumailalim sa drug-testing, 14 ang nagpositibo sa shabu habang dalawa naman sa marijuana.

“Kailangan naming isagawa ang drug tes­ting sa mga kawani para malinis ang kanilang hanay sa mga gumagawa ng labag sa batas at mai-professionalize ang aming work force,” ani Mendoza

Isinagawa ang drug testing sa mga kawani ng Batelec sa private medical polyclinic noong Mayo 2014 at lumabas ang resulta kamakalawa.

Bukod sa resulta mula sa private polycli­nic, sumailalim din ang 16-kawani sa confirmatory test mula naman sa Department of Health kung saan nagpositibo rin ang mga ito.

Bagamat positibo sa drug test, patuloy pa ring nakapagtatrabaho ang 16-kawani hangga’t hindi pa sumasailalim sa binuong komite ng Batelec na didinig sa kanilang kaso.

Kapag napatunayan ng komite na gumagamit nga ng bawal na droga ang naturang mga empleyado, bibigyan sila ng tatlong buwan para magpa-rehabilitate sa duly accredited rehabilitation center.

Tumanggi namang pangalanan ni Mendoza ang mga kawa­ning sangkot sa paggamit ng droga para bigyan pa ng pagkakataong makapagbagong buhay.

Nilinaw naman ni Mendoza na isang beses lang binibigyan ng pagkakataong makapag-rehabilitate ang kanilang kawani at kapag nagpositibong muli sa droga ay hindi na tinatanggap sa trabaho.

Sa tala ng Batelec, dalawang kawani ang sinibak sa trabaho noong 2012 dahil sa paggamit ng bawal na droga.

Ang Batelec 2 ay pinakamalaking electric cooperative sa bansa na nagseserbisyo sa mga bayan ng San Juan, Taysan, Lobo, Rosario, Lipa, Malvar at marami pang ibang munisipalidad sa Batangas.

ANG BATELEC

BATANGAS ELECTRIC COOPERATIVE

BATELEC

DEPARTMENT OF HEALTH

GENERAL MANAGER OCTAVE MENDOZA

KAWANI

MENDOZA

SAN JUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with