Calamity victims tulungan agad – Cayetano
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa gobyerno na magsagawa ng komprehensibo at mabilis na programa para kagyat na matulungan ang mga mamamayang nabibiktima ng mga kalamidad tulad ng sunog.
Sinabi ni Cayetano na hindi dapat patak-patak ang mga programang ginagawa para sa mga biktima ng kalamidad dahil, sa pakiramdam dito ng mamamayan, parang sinasabihan sila ng gobÂyerno na bahala na sila sa kanilang buhay.
Mabagal anya at kalat-kalat ang iba’t ibang kasalukuyang programa ng pamahalaan para sa mga biktima ng kalamidad. Inihalimbawa niya na ang mga biktima ng mga kalamidad ay umaasa lang sa pamahalaang lokal tulad ng sa Davao, Cebu, Zamboanga City at Caloocan City.
Iminungkahi niya na isama sa 4Ps o sa CCT ang naturang mga biktima para meron silang tig-P1,000 para maalalayan ang mga bata. Bawat pamilyang biktima ng sunog ay karaniwang nakakatanggap ng P2,500 hanggang P5,000 mula sa pamahalaang lokal.
Ayon kay Cayetano, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dapat magbigay ng pangunang tulong sa mga nasunugan.
“Kaya nga sinusulong natin sa Senado na magkaroon ng Emergency Response Department kasi, ngayon, hindi nalalaman ng mga kababayan natin maging ng local government kung NDRRMC ba ito o DSWD ba ito, DILG ba ito, ano bang mga iba’t-ibang ahensiyang tutulong,†ayon pa sa senador.
- Latest