LTO, LTFRB inulan ng protesta ng mga driver
MANILA, Philippines - Inulan ng protesta ng mga drivers sa pangunguna ng militanteng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa East Avenue, Quezon City para kondenahin ang napakataas na multa sa mga kolorum na sasakyan.
Binigyang diin ni George San Mateo, national president ng PISTON na hindi makatarungan at pagmumulan lamang ng money-making at confiscatory sa transport sector ang Join Administrative Order 2014-01 o ang mataas na multa sa mga kolorum.
“Hindi disiplina ang layunin ng gobyerno sa pagtataas nito ng multa kundi ang paigtingin ang revenue-collection ng gobyerno para dagdag-pataba sa 2016 elections,†pahayag ni San Mateo.
Binigyang diin ni San Mateo na dapat sana ay pinag-aralang mabuti ng DOTC ang ipatutupad na taas multa sa mga colorum vehicles dahil wala rin itong maitutulong na maganda lalupa’t lalala ang kotong kapag naipaÂtupad ito.
Dapat din anyang maisama sa kundisyon ng patakarang ito na mabigyan ng matinding parusa ang mga traffic enforcers na gagamiting mitsa ang hakbang para makakuha ng “lagay†mula sa motorista.
Una nang inanunsiyo ng LTFRB na sa June 19 epektibong ipatutupad ng ahensiya ang utos ng DOTC na hulihin at pagmultahin ang mga colorum bus ng P1 milÂyon, P200,000 sa colorum van at AUV, P120,000 sa colorum taxi at P50,000 sa colorum na jeep at i-impound ang naturang mga sasakyan ng tatlong buwan.
- Latest