^

Bansa

Mga pangit dehado sa paghahanap ng trabaho

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lumabas sa isang social experiment ng isang personal care company na mas pinipili ng mga recruitment managers ang gwapo kumpara sa mga hindi kagwapuhan kahit na pareho lamang ang dalawa ng kakayanan.

Sa ginawang eksperimento ng Vaseline Men ay nagsalang sila ng isang lalaki na nagpanggap na hindi kagwapuhan at ang kanyang tunay na anyo sa isang job interview.

Tatlong inosenteng recruitment managers ang nag-interview sa naturang lalaki sa loob ng kuwarto na may apat na hidden camera upang makita ang natural na reaksyon nila.

Sa huli ay pinili ng tatlo ang gwapong lalaki.

Hindi naman ikinagulat ni John Robert Powers Manila curriculum director Archie Geneta ang resulta dahil aniya nakakaapekto sa confidence ng isang tao ang hitsura niya.

“Leveraging on credentials is a given, but physical and social attractiveness has social benefits that an employer would want to take advantage of,” sabi ni Geneta.

Pinatunayan ng social experiment ang pag-aaral ng Italian researchers mula sa University of Messina noong 2013 na pinamagatang “Searching for a Job is a Beauty Contest,” kung saan lumabas na 54 porsiyento ng kanilang mga pinadalang resume na pawang mga gwapo ay nakatanggap ng tawag sa mga kompanya.

ARCHIE GENETA

BEAUTY CONTEST

GENETA

JOHN ROBERT POWERS MANILA

LUMABAS

PINATUNAYAN

TATLONG

UNIVERSITY OF MESSINA

VASELINE MEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with