Habagat magpapaulan sa Luzon
MANILA, Philippines —Uulanin ang malaking bahagi ng Luzon dahil sa pag-iral ng hanging habagat, ayon sa state weather bureau ngayong Martes.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na uulanin ang Ilocos region, Cordillera, Central Luzon at Metro Manila.
Magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap naman ang nalalabing bahagi ng Luzon na may pulu-pulong pag-ulan.
Samantala, nasa 310 kilometeo hilaga hilaga-silangan naman ng Laoag City o 65 kilometro hilaga-kanluran ang low pressure area.
Sinabi naman ni PAGASA weather forecaster Connie Dadivas na anumang araw ngayong linggo ay maaari na nilang ideklara ang pagpasok ng tag-ulan
- Latest