Special courts sa kasong plunder aprub sa Palasyo
MANILA, Philippines - Pabor ang Malacañang sa pagtatayo ng special courts na didinig sa mga kasong may kinalaman sa pork barrel fund scam kung ito ang paraan upang mapabilis ang pagresolba sa mga kasong kinakasangkutan ng mga mambabatas na sabit sa scam.
Ayon kay Deputy PreÂsidential spokesperson Abigail Valte, wala silang nakikitang problema sa pagbuo ng special courts ng Supreme Court na ang tanging gagawin ay dinggin ang mga kasong katiwalian partikular ang P10 bilyong pork barrel fund scam.
Umaasa silang anuÂmang magiging desisyon ng korte ay magiging daan para sa pagpapabilis ng pag-usad ng kaso.
Pero nilinaw din ni Valte na ipinauubaya nila sa SC ang pagdedesisyon kaugnay sa panukalang magtayo ng dalawang special courts.
Nauna rito, hiniling ng Ombudsman sa SC noong Biyernes ang pagbuo ng dalawang Special Divisions ng Sandiganbayan na didinig sa mga kasong may kinalaman sa pork barrel fund scam.
Noong Biyernes din sinampahan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ng plunder at graft charges sina Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile, Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada.
- Latest