Pasahe sa jeep, P8.50 na simula Hunyo 14
MANILA, Philippines - Simula Hunyo 14 ay P8.50 na ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila, Region 3 at Region 4.
Ito’y matapos aprubahan kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling na 50 sentimo dagdag pasahe sa unang apat na kilometro at 10 sentimo sa bawat susunod na kilometro.
Ayon kay LTFRB ChairÂman Winston Ginez, ikinonsidera ng board sa kanilang desisyon ang naging pagtaas ng halaga ng diesel na ang mga driver ang umaako. Pebrero 2011 pa anya huling tumaas ang paÂsahe o mahigit tatlong taon na.
Nilinaw naman ni Ginez na aabutin ng P6.80 ang minimum na pasahe sa mga mag-aaral, disabled at elderly na may 20 percent discount.
Sinabi naman nina Altodap president Boy Vargas, Fejodap president Zeny Maranan, LTOP president Ka Lando Marquez at ACTO president Efren de Luna na aabutin ng P100.00 kada araw ang madadagdag na kita ng mga driver dahil sa 50 centavos fare hike sa jeep.
Kailangan namang mag-file ng fare hike petition ang mga samahan ng bus, taxi at AUV para magkaroon din sila ng taas pasahe gayundin ang mga samahan ng jeep sa ibang rehiyon sa bansa.
- Latest