^

Bansa

Kontaminadong tubig sa Cotabato sisiyasatin ng DOH

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sisiyasatin ng Department of Health ang pinangga­lingan ng kontaminadong supply ng tubig sa Alamada, North Cotabato na dahilan ng cholera outbreak sa ilang barangay duon. Ito’y makaraang matuklasan ng mga eksperto mula sa DOH na ang pinanggalingan ng cholera ay ang suplay ng tubig dahil sa substandard na tubo o plastic pipe na ginagamit sa distribusyon ng tubig sa lugar.

Nabatid din na ang mga alagang hayop sa lugar ay itinatali malapit sa mga butas na tubo na maaaring dahilan din ng kontaminasyon. Nagpadala na ng medical team ang DOH  mula sa San Lazaro Hospital at mga toxicologist para tumulong sa pagkontrol ng sakit.

Sa datos ng DOH, umaabot na sa siyam na mga residente sa Alamada ang namatay  dahil sa cholera.

Ang cholera ay sanhi ng bacteria na mula sa tubig na kontaminado ng dumi ng hayop at tao.

 

ALAMADA

DEPARTMENT OF HEALTH

NABATID

NAGPADALA

NORTH COTABATO

SAN LAZARO HOSPITAL

SISIYASATIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with