Free internet sa NCR isinulong ni Recto
MANILA, Philippines - Isinusulong ni Sen. Ralph Recto sa Senado ang paglalagay ng libreng public wireless internet access sa lahat ng mga public buildings, parks at national roads sa National Capital Region.
Sa Senate Bill 2232 ni Sen. Recto, ipinaliwanag nito na ang NCR ang ikalawa sa itinuturing na “best outsourcing destination†sa buong mundo kasunod ang Bangalore, India.
Ayon kay Recto, ang “Information Technology-Business Process Outsourcing (IT-BPO) sector ay nanatiling progresibo kaya dapat maging senyales nito ang kahalagahan ng internet sa itinuturing na capital ng bansa at sa ekonomiya.
Pero ang wireless internet connections aniya ay napakahirap ma-locate at ma-acquire kung saan sa sampung miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang “Internet Speed†ng Pilipinas para sa 2014 ay 3.6 mbps lamang na malayo sa Singapore na 61.0 mbps. Ang speed ng internet sa Pilipinas sa mga miyembro ng ASEAN ang pinakamabagal.
“This is a clear reflection of the low priority given to broadband internet infrastructure in the country,†sabi ni Recto.
Ipinaalala ni Recto na mayroon ng Philippine Digital Strategy (PDS) 2011- 2016, o broadband internet infrastructure policy sa Pilipinas kaya dapat magkaroon na ng access sa internet ang lahat ng mamamayan.
Layunin din aniya ng PDS ang pagtatayo ng isang Universal Access and Service Fund (UASF), isang “financing instrument†na maaring makuha mula sa ‘Spectrum User Fees (SUF) ng National Telecommunications Commission (NTC).
Iginiit ni Recto na ang pondo para sa paglalagay ng internet sa mga pampublikong lugar sa National Capital Region ay awtomatikong kukunin sa SUF ng NTC.
Mahalaga aniya ang komunikasyon at impormasyon sa pag-unlad ng bansa kaya dapat lamang magkaroon ng access ang publiko paggamit ng internet kahit sila ay nasa pampublikong lugar.
- Latest