ER Ejercito pinabababa sa puwesto ng Comelec
MANILA, Philippines - Pinabababa na ng Commission on Elections (CoÂmelec) sa puwesto si Laguna Governor ER Ejercito matapos mapatunayang nagkasala sa sobrang paggastos o overspending sa May 2013 elections.
Sa en banc decision ng Comelec sa botong 7-0 nagkaisa ang mga Commissioner para sa disqualification ni Gov. Ejercito.
Nagpasya rin ang mga commissioner na paupuin si Laguna Vice Gov. Ramil Hernandez sa puwesto ni Ejercito.
Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na nakakuha sila ng mga dokumento mula sa Laguna Provincial Election Office na gumastos si Ejercito ng P23.5 milyon sa halalan noong Mayo 2013.
Batay sa rule, pinapayagan ng Comelec ang isang kandidato na gumastos ng tatlong piso kada botante.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, umaabot sa 1,440,660 ang bilang ng mga botante sa Laguna noong 2010.
Si Ejercito, pamangkin ni Manila Mayor Joseph Estrada, ay may limang araw upang humingi ng temporary restraining order mula sa Korte Suprema para maharang ang kautusan ng Comelec.
Giit ni Brillantes, sakaling hindi makakuha ng TRO si Ejercito mula sa Kataas-taasang Hukuman ay ipatutupad nila ang nasabing kautusan.
- Latest