Martial law sa Thailand: 16K Pinoy inalerto
MANILA, Philippines - Inatasan ni Pangulong Aquino ang Department of Foreign Affairs na siguruhin ang kaligtasan ng mga Filipino sa Thailand matapos ideklara ang martial law dito.
Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr. na itinaas na sa alert level 2 para sa tinatayang 10,000 hanggang 16,000 Pinoy sa Thailand at pinaghahanda sila sa posibilidad na evacuation o paglilikas sa sandaling lumala ang sitwasyon.
Ayon kay Foreign Affairs spokesman Asec. Charles Jose, sa ilalim ng alert level 2, pinapayuhan ang mga Pinoy na naninirahan o nagta-travel sa Thailand na maging mapanuri, mapagbantay at umiwas sa mga matataong lugar o pinagdarausan ng rally at huwag sumama sa anumang pagkilos.
Ang mga OFWs naman ay pinapayagan lamang na makabalik sa Thailand kung mayroon silang kasalukuyang kontrata sa kanilang employer.
Pansamantala ring ipatutupad ng Department of Labor and Employment ang deployment ban sa Thailand para sa mga newly hired OFWs.
Kahapon, nagdeklara ng martial law ang Thailand Army upang mapanatili ang kanilang katatagan kasunod ng may anim na buwan nang karahasan sa nasabing bansa dulot ng pulitika.
Pinabulaanan naman ng militar ng Thailand na isusunod na nila ang pagsasagawa ng kudeta.
Ang martial law ay idineklara kasunod ng kautusan ng korte noong Mayo 7 na sibakin sa puwesto si Thailand Prime Minister Yingluck Shinawatra, 46, ang kapatid na babae ni dating Prime Minister Thaksin Shinawatra, dahil sa pag-abuso sa kapangyarihan.
Nagsimula ang kaÂguluhan sa Thailand noon pang 2006, nang sibakin si Thaksin bilang Thai Prime Minister sa pamamagitan ng military “coup d’ etat†matapos siyang maakusahan ng korupsyon, pag-abuso sa kapangyarihan at walang pagrespeto o pambabastos kay King Bhumibol Adulyadej.
- Latest