AFP malaki ang pakinabang sa EDCA
MANILA, Philippines - Malaki ang magiging pakinabang ng bansa sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) pagdating sa kapasidad ng military at support efforts at sa anumang pagtatangkang pagsakop ng ibang bansa.
Paliwanag ni Defense Undersecretary Pio Lorenzo Batino na tumatayo rin chairman ng Philippine panel na nakipag-negotiate sa Estados Unidos sa House Committee on Foreign Affairs, malaki ang maitutulong ng EDCA sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maiangat ang kapabilidad ng military at suportahan sa anumang banta nang panghihimasok ng ilang naghahariang bansa.
Paliwanag pa ni Batino, sa pamamagitan rin ng kooperasyon ng Amerika ay mas mapabibilis na ang pagtugon ng pamahalaan sa panahon ng kalamidad at mabawasan ang dulot nitong pinsala sa mga lugar na masasalanta.
Inilahad din nito sa komite na maiaangat ng EDCA ang AFP sa larangan ng maritime security, maritime domain awareness at humanitarian assistance and disaster relief (HADR).
Dagdag pa ni Batino na malinaw sa kasunduan na ipo-provide ng AFP kung saan magbabase, magsasanay at pupwesto ang mga sundalong Kano.
Nilinaw pa nito na hindi US military base ang itinatayo sa bansa kundi para sa pag-accommodate at storage lamang ng mga armas at iba pang facilities para sa mga gagawing pagsasanay.
- Latest