Suplay ng tubig sa mga irigasyon itinigil
MANILA, Philippines - Bunga ng patuloy na pagbaba ng water level sa Angat dam, itinigil na muna ng pangasiwaan ng naturang dam na makapagsuplay ng tubig sa mga irigasyon sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga.
Ayon kay Engr. RodolÂfo German, plant manager ng Angat Hydro Electric Power Plant, layunin niÂlang hindi gaanong maapektuhan ang patuloy na pagsusuplay ng tubig sa Metro Manila.
Aniya, alas-2:00 ng hapon nitong nagdaang araw ng lunes ay pinutol na nila ang pagsusuplay ng tubig sa mga irigasyon.
Sinabi ni German, dapat ay sa May 16 pa nila ipatutupad ang paghinto sa pagsusuplay ng tubig sa mga irigasyon sa naturang mga lalawigan pero dahil sa napaaga ang pagbaba ng water level sa naturang dam ay naitigil pansamantala ang suplay ng tubig doon.
Gayunman, niliwanag ni German na sakaling magpatuloy ang pagbaba ng water level sa dam, babawasan din nila ang water allocation para sa Kalakhang Maynila.
Sinasabing bumababa ng isang sentimetro bawat oras ang water level sa Angat Dam.
Alas 6:00 ng umaga kahapon, umabot sa 179.47 meters ang tubig sa dam na mas mababa ng halos 30 sentimetro kumpara nitong nakaraang lunes.
Sinabi ni German na tanging ang malakas na ulan na dulot ng isang bagyo sa bahagi ng Angat dam ang makapagpapataas ng water level nito.
- Latest